Saturday, July 14, 2012

Tambak ka ba sa projects?


Okay... so malapit na matapos ang 1st quarter natin mga kapatid! At dahil dito, tambak na tayo sa mga projects... Nahihirapan tayong lahat, hindi ba? Pero dahil mahal ko kayo at gusto ko kayong tulungan, ito yung tips ko para matapos niyo kaagad ang projects natin. Remember, suggestions lang 'to, Kung hindi siya useful sa inyo, ayos lang :)

1) Be selective in what you embark!
          Kung magsisimula kayo nga projects, select something that you are good at. Kung magaling kang amag-drawing, why not draw? Kung magaling kang mag-arrange at mag-organize, why don't you try? As long as you can do it, kaya mong matapos ang projects mo.

2) Estimate the resources you need
          Ayaw mo bang mag-overspend? Well, estimate all the materials you need and kung gusto mo, you can try recycling materials na makikita niyo sa bahay niyo like old newspapers na pwedeng maging background ng scrapbooks.

3) Budget your time and energy accordingly
          Kung malayo pa ang deadline ng projects mo, why don't you start it as early as possible. Mas maganda nang may natapos ka ng maaga kasi may possibility na matambakan ka ng projects na nagiging cause ng late submission of projects.

4) Quit being a perfectionist!
          Ang pagiging perfectionist ang dahilan ng pagkadumi ng papel mo kapag nagdo-drawing. Ang pangit tignan diba? Hindi ko naman sinasabi na babuyin mo 'yang project mo, ang sa akin lang eh kung hindi mo kaya, wag mong pilitin!

5) Commit to it!
          Kung nagsimula ka na, tapusin mo na rin. Sayang naman yung energy and time mo kung wala ka namn pa lang balak na tapusin.

6) Connect with your end vision
          Yan yung ningas-kugon attitude. Kapag sinimulan mo yung project, maganda ang imagination mo. Pero kapag patapos ka na at pahirap na ng pahirap ang mga gawain, parang lumalayo na si imagination. Kapag ganito ang nangyayari sa'yo, try to think of something weird and opposite of what is you really want your project to be. In this case, makikita mo kung ano yung dapat na i-improve at pagandahin.

7) Follow the path of highest enjoyment
          Try enjoying making projects. Habang nagdo-drawing, listen to fast music na nakakagana. Sumayaw-sayaw ka din para at least hindi ka inaantok sa paggawa ng projects mo.

8) Track your progress
          This is a handy tip especially if you're working as a group. Always be updated in whatever's happening with your projects. Be informed in things that should be replaced or edited.

9) Celebrate what you've done so far
          Always appreciate the product you made. Be proud in whatever you did. This helps you to think positively.

And last but not the least,

10) Don't force it if it's not really working out
          Kung hindi mo talaga kayang matapos ang isang project, accept it! Don't force yourself to do something that is far more complex for your experiences. Try doing another project at baka maka-pick up ka ng mga strategies na pwede mong magamit para tapusin yung certain project na 'yun.

Wednesday, July 11, 2012

Inspiration

Ang sarap nung feeling ng may inspiration, 'noh? Parang lahat gumagaan kapag nakikita mo yung tao na 'yun. Ang bawat simangot ay nagiging ngiti. Ang bawat iyak ay nagiging tawa. Ang bawat problema ay nagiging kaligayahan. At napansin niyo, masyadong corny na pinag-sasabi ko?

Ang masaklap nga lang dito 'eh dalawan bagay lang naman. Una, kapag yung ispiration mo eh inspiration din ng iba. At pangalawa, kapag yung inspiration mo eh may inspiration ding iba. Saklap 'noh? Ito yung nararamdaman ko ngayon...

Hindi ko talaga alam kung saan ako lulugar. Tatanggapin ko na lang ba kahit masakit? O magtatapat ako kahit nakakahiya? ANG GULO 'NOH?!

Pero kahit alam mong may inspiration siyang iba, nakakagaan pa rin ng loob yung feeling na makikita mo siya na nakangiti kahit ang dami-daming problema. Tapos yung feeling na siya pa yung magco-comfort sa'yo kahit  alam niya na may something ka sa kanya. Tapos yung feeling na tititigan ka lang niya. Yung makikita mo yung 'serious' face niya. ^_^

At kahit napakilig at napangiti ka ng mga yan eh nandyan parin yung kontabida sa "fairytale" ninyo! Yung feeling na ang ganda na ng moment ninyo tapos bigla siyang makikigulo. Alm niyo yun?! Nakakapikon! Tapos isa pa kahit na may something yung inspiration mo at yung inspiration niya, nakakapikon yung view kapag sweet sila. Parang gusto kong sabihin na "OO! CRUSH NIYO ISA'T-ISA! PERO PWEDE BA! WAG NIYO IPAGDULDULAN!"

Monday, July 9, 2012

Tardiness

Sa mga panahong ito, mahirap ng ma-late. Kapag na-late ka sa pagpasok sa skwela o sa opisina, late ka na sa lahat ng gawain mo... Kailangan mong mag-adjust sa lahat ng activities mo.

Katulad kaninang umaga, na-late kami sa school (first tardiness ko). Pagdating ko sa room eh naubusan na ako ng time para gumawa ng mga unfinished homeworks at projects ko. Nakakatamad kasing gumawa sa bahay. BORING! Masaya gumawa ng assignments kapag marami kayo tapos may kung anu-anong nangyayari sa paligid mo.

Kapag naman tinanong mo ang isang tao kung bakit late siya, pumapasok diyan yung dalawang klase ng tao; The Truthful's at ang mga Drama Queen.

Yung The Truthful's eh yung mga klase ng tao na meron talagang concrete reason kung bakit late. Totoo ang mga sinabing causes ng pagka-late... Mag-aapologize ang mga The Truthful's sa mga "boss" nila.

Cause of Tardiness: Traffic
Kadalasang mga : Elementary Students


Ang mga Drama Queen naman eh yung mga taong madalas ma-late dahil din sa traffic.......... traffic sa utak. Mabagal kumilos at laging nakatunganga ang mga Drama Queen. Magaling silang gumawa ng imaginary situations na kadalasang cause ng pagka-late nila. Bentang-benta naman 'toh sa mga "boss" nila. Pumapasok din ang mga Drama Queen kapag madalassilang late sa projects.

Cause of Tardiness : Tanghali kung gumising o late na matulog kaka-DOTA o FB
Kadalasang mga: High School Students


At para naman may ma-benefit kayo sa post na 'toh, basahin ang L. A. T. E.


List- gumawa ng listahan na kailangan dalhin kinabukasan. It will save time at nakakatulong sa pag-prepare ng mga upcoming projects.

Alarm- bumili ng alarm clock or gumamit ng cellphone para mas madaling gumising.

Think- isipin ang mga gawaing kailangang tapusin ng mabilisan para hindi na natataranta pagdating ng deadline

Encourage- always encourage yourself na kaya mong gawin lahat ng mga bagay na 'toh pra lang hindi ka ma-late.

Sunday, July 8, 2012

Monday...

Bakit nga ba hate na hate ng mga tao ang Monday? Well, kasi yan yung start ng napaka habang weekday or workday... Yan din yun sign na gigising ka nanaman ng maaga... Parang sinasampal ka kasi ng Monday tapos sasabihin sa'yo "HOY! BANGON! TAPOS NA ANG WEEKEND!" At isang linggong naka-marka sa mukha mo yung sampal na yan!

Ako naman yung tipong gusto kong mabilis mag-Lunes. Kung sa iba eh sampal ang inaabot nila, sa akin eh parang kalmado ang approach sa akin ng Lunes... Pero aaminin ko, minsan eh nagagalit ako kay Monday... Ayoko kasing nakikita ulit yung mga taong wala nang ibang pinansin kundi ang mga flaws ko... Bakit? Maiiba ba nila ako?!

Ay! Oo nga! Monday na bukas! Matulog na kayo ng maaga at baka masampal nanaman kayo ni Monday!

Welcome to My Blog!

Dear Visitor,
Kung binabasa mo ngayon itong post na 'toh, maraming salamat at naisipan mong bisitahin itong blog ko! If you're going to ask me "Rix, what can I experience here in your blog?" ito ang sagot ko: Meron akong gadgets na hindi inisip ng ibang bloggers na ilagay sa kanilang blogs katulad ng Digital Clock and Calendar ko. Meron din akong Hit Counter kung saan makikita ang dami ng visitors ko dito sa blog. Ito yung madalas kong i-check para may ipagmayabang ako sa mga kaibigan ko. Meron din akong Playlist. Pwedeng mag-request ng songs ang mga visitors ko kung gusto nila. Marami pa akong ilalagay na gadgets dito kaya stay tuned!


Ang Posts ko dito ay may kinalaman sa high school life ko at kung anong maisipan kong i-post. Pwede din mag-request ng trivia ang mga visitors ko na madalas ko namang tinutupad.


Pero ang pinagmamalaki ko sa lahat ay ang pagiging active and friendly ko dito sa website na ito. Pwede kayong mag-send sa akin ng "fanmail" o mga MMK type letters. Ang pagkakaiba nga lang eh Dear Rix ang simula at hindi Dear Charo...


I hope you enjoy my blog and don't hesitate to suggest or ask questions. Criticize me if you want kasi yun yung magandang part para sa akin kasi dito ko nalalaman na concerned talaga kayo sa blog ko.


And of course, don't hesitate to share my blog to your friends or relatives :)


To all of you,
Rix